Tungkol sa blogger

Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin

Mga Popular na Post

Blogroll

Mayo 22, 2013
Mata ng Pag-ibig (Part 1)

Halos mag-iisang linggo na sa ospital si Lila ngunit wala pa ring nahahanap na eye donor. Inip na inip na si Lila sa kahihintay. Nawawalan na siya ng pag-asang makakakita pa siyang muli.
“Ma, bakit wala pa rin akong eye donor? Nasaan na po ba si Papa?” kinakabahang tanong ni Lila.
“Lila, mahirap makahanap ng donor. Pero ‘wag kang mawalan ng pag-asa; lahat ay ginagawa ng iyong Papa para maoperahan ka na,” sagot naman ng ina sa anak.
Isang mahinang katok ang narinig, at pumasok si Ramiro sa kuwarto ni Lila.
“O, nandiyan na pala ang Papa mo eh,” masiglang sabi ni Agnes. “Kamusta?”
“May magandang balita ako para sa’yo, anak. Makakakita ka nang muli!”

Mayo 21, 2013
Mayroon akong isang maikling kwentong isinulat noong ako'y nasa ikatlong taon ng high school na sobrang ipinagmamalaki ko. Sa tingin ko noo'y mahusay ko siyang naisulat. Sa pagkakaalala ko rin, 1.25 ang grade ko sa kwentong ito. Ngunit mas mahaba siya kaysa sa mga iba kong isinulat. Maituturing maikling kwento ang anumang kwento na may 5,000 hanggang 20,000 salita. Kaya ito'y isa pa ring maikling kwento.

Mayo 20, 2013
Ngayon ay isang espesyal na araw para sa akin, dahil ngayon ang araw na ako'y bente na.

Mayo 17, 2013
Isa sa mga bagong pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pagtuturo. Sa pagsisimula ng taon, naaalala kong pinagdasal ko na sana'y magkaroon ako ng pwedeng pagkakitaan, para kahit paano'y makagaan ako sa aking pamilya. Kaya nang makatanggap ako ng text mula sa best friend kong naghahanap ng tutors para sa bubuksan nilang review center, agad akong pumayag.

Mayo 16, 2013
Napakatagal na mula nang huli kong binisita ang blog na ito. Nung una nga'y hindi pa ako makapag-log in dahil nakalimutan ko na kung anong account ang ginamit ko sa blog na ito. Ngunit dahil sa hindi malamang dahilan, naalala kong minsan nga pala sa aking buhay ay may ginawa akong blog na ganito at ngayon ay walang-wala na siyang laman.

Kaya naisip kong punuang muli ang blog na ito nang samu't saring kwento, kathang-isip man o hindi. Napakalayo na ng ako noon na gumawa ng mga komposisyon ko noon mahigit isang taon nang nakalipas, sa ako ngayon na susubuking dugtungan ang naputol kong gawain. Maaaring maging patunay ang blog na ito sa maraming mga pagbabagong naranasan ko sa aking buhay.

Marami na akong mga bagong bagay na pinagkakaabalahan ngayon, at hindi mawawala doon siyempre ang pagsusulat. Ngayon nga lang, mas marami na akong lab reports at research papers na isinusulat kaysa panitikan. Habang wala pa akong bagong kwento, heto ang isa sa mga komposisyon ko dalawang taon na ang nakakaraan. Ang pamagat nito ay "Soundtrack ng Buhay Ko".

Disclaimer: Naniniwala akong hindi na ako ganito magsulat ngayon, kaya kung medyo cheesy ay pagpasensyahan na. :)