Tungkol sa blogger
Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin
Nakaraan
Mga Popular na Post
-
Ito naman ang pangalawang isinulat ko para sa portfolio project namin sa MP10, isang creative non-fiction. Para itong fusion ng kwento at no...
-
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof...
-
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig k...
-
Marami kaming mga bagong sinulat para sa MP 10, pero lahat ng iyon ay para na sa portfolio na ipapasa sa pagtatapos ng sem. Uunti-untiin ko ...
Blogroll
Hunyo 6, 2013
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof ay walang patawad sa mga mahuhuli. Ngunit hindi siya pumasok sa klase namin ngayon, kaya naman umagang-umaga'y asar na asar ako. Nakuntento ako sa pagbabasa ng Game of Thrones at nanahimik sa isang sulok habang nag-aabang kung talagang hindi na ba darating ang prof ko. Sabagay, doon din naman sa gusaling iyon ang susunod kong klase, kaya hindi na ako lumayo pa.
Ngunit kahit habang nagbabasa, maraming mga kaisipan ang sumagi sa isipan ko. Tulad na lang ng realisasyong graduating na ako.
Ngunit kahit habang nagbabasa, maraming mga kaisipan ang sumagi sa isipan ko. Tulad na lang ng realisasyong graduating na ako.
Hunyo 5, 2013
“Siya nga pala,
may itatanong sana
ako. Sana ‘wag
mong masamain or something,” wika ni Lila.
“Sige, ano
iyon?” mahinang tanong rin ni Anton.
“Uh…” Biglang
natigilan si Lila. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang tanong nang hindi
makakasakit ng sinuman.
“’Wag kang
mahiya, Lila. Nais mo ba akong tanungin kung bakit ako nabulag?”
“Hindi naman,
Anton. Gusto ko lang sanang itanong… Bakit ka laging nakatingin sa labas? E
di’ba…”
“…bulag ako?”
ang tapos ni Anton sa pangungusap ni Lila. Napatakip si Lila sa kanyang bibig.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)