Tungkol sa blogger
Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin
Nakaraan
Mga Popular na Post
-
Ito naman ang pangalawang isinulat ko para sa portfolio project namin sa MP10, isang creative non-fiction. Para itong fusion ng kwento at no...
-
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof...
-
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig k...
-
Marami kaming mga bagong sinulat para sa MP 10, pero lahat ng iyon ay para na sa portfolio na ipapasa sa pagtatapos ng sem. Uunti-untiin ko ...
Blogroll
Hulyo 17, 2011
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig ko. Noong nasa unang taon ako ng hayskul, nakatira ako sa isang dorm dahil malayo ang paaralan ko sa bahay namin, at doon ako unang humawak ng gitara. Noong una ay ayoko pang matuto, dahil noong mga panahong iyon ay parang bigla lang nauso ang paggigitara kaya maraming gumagaya. Ayokong magmukhang gumagaya lang kaya noong una'y ayoko pang makisabay.
Laking gulat ko nang unang beses kong mahawakan ang gitara ng isa kong dormmate, at sa tabi ng kama'y merong lumang Song Hits. Bumuklat ako sa isang pahina, at nawindang ako sa nakita ko. "Pa'no to basahin?!" ang tanong ko.
Itinuro ako ng mga kaibigan ko sa pinaka-gitnang pahina, kung nasaan ang listahan ng chords, at doo'y unti-unting natuto. Di natapos ang gabi ay marunong na akong tumugtog ng ilang chords, at kinabukasa'y natutugtog ko na ang kantang "Torete" ng Moonstar88.
Mula noo'y halos di na ako mawalay sa gitara ng kaibigan kong iyon. Syempre nakakahiyang mas matagal ko pang hawak ang gitara niya kaysa sa kanya, kaya ninais kong magkaroon ng sarili kong gitara. Mayroong nakatambak sa bahay kaya pinadala ko na lang sa mga magulang ko iyon. Nagulat akong minsan pag-uwi ko sa dorm ay may dalang bagong gitara ang mga magulang ko, at walang mapagsidlan ang kagalakan ko noon.
Simula noon, hanggang ngayon, unti-unti ay mas humusay pa ako. Hindi pa rin ako magaling; madami pa rin akong hindi alam, ngunit gustong-gusto kong matuto. Nakakatugtog na ako ngayon sa simbahan namin ng gitara. Dahil din sa hilig ko sa musika'y mabilis din akong natutong tumugtog ng keyboards.
Minsan, naiisip ko, sayang naman na medyo matagal-tagal kong nadiskubre ang hilig ko sa musika. Siguro kung nagsimula akong tumugtog noong bata pa ako, magaling na sana ako ngayon. Pero hindi, at minsa'y medyo nanghihinayang ako sa panahong nawala na dapat sana'y ginugol ko upang mas magsanay at lalong humusay.
Pero may ibang plano ang Diyos. Marahil nga, kung noon pa lang ay magaling na ako'y napakayabang ko na. Marahil may banda na rin ako ngayon, at marahil kung saan-saan na rin kami nakapag-gig. Ngunit dinala Niya ako sa ibang direksyon, at ang plano Niya para sa akin ay tumugtog para sa Kanya. Wala akong tutol doon; sa katotohana'y gustong-gusto ko ang ginagawa ko. Inaalay ko sa Kanyang nagbigay sa akin ng talentong ito ang aking pagtugtog.
Ngunit ngayong Linggo, hindi ako tumugtog ng gitara. Sa sobrang dami ng ginagawa sa paarala'y nagpaalam ako sa lider namin kung maaari bang huwag muna akong tumugtog sa buong buwan ng Hulyo, ngunit libre na ako sa huling linggo. Mayroon namang humalili sa akin, pero ang sakit pala sa pusong pagmasdan ang gitara ko na hawak ng iba. Nalulungkot ako, hindi dahil may ibang gumagawa ng dapat na ginagawa ko, kundi dahil hindi ko maaring gawin ang gusto ng puso ko. Napakalaking bahagi na ng pagkatao ko ang pagtugtog ng gitara kapag Linggo, kaya naman hindi lang basta-basta sa aking hindi ako nakakatugtog. Gayunpaman, alam kong magkakaroon pa rin naman ako ng pagkakataon, at alam kong sa ngayo'y pag-aaral muna ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
"Hindi nagsasayang ng panahon ang Diyos na hubugin ka sa anumang nais Niya para sa buhay mo," sabi ng mensahe ng pastor noong nakaraang Linggo. Kahit ngayong hindi ako tumutugtog, hinuhubog naman ng Diyos ang pag-aaral ko. Kaya patuloy pa rin ang paglago ko. Kung iisipin, parang napaka-banal o ispiritwal naman ng kinukuwento ko, pero naniniwala akong lahat ng tao ay makaka-relate sa sinasabi ko. Anuman ang pinagdadaanan natin, dapat manatili ang positibong pananaw. Pagsubok man o kaginhawaan, ang lahat ng iyon ay paaran ng Diyos upang tayo ay hubugin upang maging isang mas mabuting tao.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 puna: