Tungkol sa blogger
Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin
Nakaraan
Mga Popular na Post
-
Ito naman ang pangalawang isinulat ko para sa portfolio project namin sa MP10, isang creative non-fiction. Para itong fusion ng kwento at no...
-
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof...
-
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig k...
-
Marami kaming mga bagong sinulat para sa MP 10, pero lahat ng iyon ay para na sa portfolio na ipapasa sa pagtatapos ng sem. Uunti-untiin ko ...
Blogroll
Hulyo 12, 2011
Madami na akong blog noon pa. Lahat ng iyon ay inabandona ko na. Sa dami ng ginagawa ko sa kolehiyo at sa personal ko pang buhay, wala na halos akong oras para magkwento pa sa mga blog kung anong nangyayari sa akin. Unti-unti, kumokonti na rin naman ang mga taong nagbabasa at nagme-maintain ng mga blog, dahil mas nauuso ang social networking sites kaysa mga blogsites tulad nito.
Ngunit nagkaroon ako ng isang asignaturang ang pamagat ay Malikhaing Pagsulat 10 (MP10, kung pinaikli). Marami akong naisusulat sa wikang Filipino na mga tula, sanaysay, kwento at iba pa, at naisip ko, "Sayang naman kung iipunin ko lang. Ba't hindi ko i-compile sa isang blog?" Kaya ipinanganak ang pahinang ito.
Inaamin kong mas sanay akong magsulat sa wikang Ingles, dahil mas praktisado ako doon pagdating sa pagsusulat, kahit na Filipino ang unang wika ko. Ngunit bilang isang Pilipino, nais kong ipakitang mas may talento ako sa pagsusulat sa aking sariling wika. Kaya naman, marahil, nawa, mas mapapadalas ang pagsusulat ko dito bilang pagsasanay na rin sa pagsusulat.
Ipapaskil ko dito ang mga ipinasa ko sa MP10, at gayon din ang mga kung anu-ano lang na maisipan kong isulat. Anything and everything under the sun, ika nga. Grabe, kahit man lang iyon hindi ko pa inilapat sa Filipino?
May mga ibig sabihin na mas malinaw sa wikang Ingles. Gayon din, may mga bagay na mas madaling ipaliwanag sa Filipino. Nais ko ring maging isang aktibong bahagi ng aking paligid; hindi lamang isang taga-obserba, kundi isang taong may sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa paligid. May makabasa man nito o wala, bahala na, ang mas mahalaga'y naipapahiwatig ko ang aking mga nais iparating.
"Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda." - Jose Rizal

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 puna: