Tungkol sa blogger
Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin
Nakaraan
Mga Popular na Post
-
Ito naman ang pangalawang isinulat ko para sa portfolio project namin sa MP10, isang creative non-fiction. Para itong fusion ng kwento at no...
-
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof...
-
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig k...
-
Marami kaming mga bagong sinulat para sa MP 10, pero lahat ng iyon ay para na sa portfolio na ipapasa sa pagtatapos ng sem. Uunti-untiin ko ...
Blogroll
Nobyembre 23, 2011
"Basically, simple lang naman ang sinasabi ng Kirchoff's Laws, e," wika ng guro ko sa Electronics. "Mahahati ang current kapag naghiwalay ng pupuntahan."
Tumangu-tango ako habang nakikinig. Alam na namin ito dahil hindi na bago ang sinasabi niya para sa amin.
"Dahil kung anong pinadaan mo, yun din ang lalabas." Tama nga naman.
"Kung anong ibinigay, siyang matatanggap."
Okay, pilit na. Pero pwede na rin. E, pa'no kung sobra-sobrang energy ang ibinigay mo, pero paikot-ikot lang naman ang nangyayari?
Short circuit ang tawag doon.
~~~
Maaga akong gumising kanina, naunahan ko pa ang alarm clock kong palpak. Sa sobrang excitement ko, muntik ko pang makalimutang mag-rubber shoes. Bawal kasi ang leather sa Electronics lab. Nakakainis nga e, panira ng porma. Matagal ko pa namang pinag-isipan 'tong susuotin ko ngayon.
Bakit ka'mo? Dahil, sa wakas, ay nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob para yayaing lumabas si Claire. Nang kaming dalawa lang. Tuwing nagtatangka kasi ako, laging may asungot na humahadlang. Tulad na lang nito.
"Claire, ba't ang ganda mo ngayon, ha?" tanong ni Jess sa kanya. Malayo pa lang, dinig ko na ang mala-megaphone niyang boses.
"Ano ka ba, Jess," nahihiyang sagot ni Claire. Ngumiti lang siya, at habang papalapit ako ay nagkasalubong ang aming mga mata. "Hi, Rico," bati niya sa akin, na para bang buong pagkatao niya ang nakangiti sa akin. Itinaas ko ang aking kanang kamay para kumaway sana, pero mabilis naman silang bumalik ni Jess sa pinag-uusapan kaya hindi na niya nakita ang sagot ko.
Sa klase ay parati akong umuupo sa likod, para bawat kilos niya ay makikita ko. Okay, hindi ako stalker, sadyang mala-anghel lang talaga ang kanyang mga kilos na para bang sumasayaw siya nang di niya napapansin. Sobrang nakakapanghinayang lang na hindi ako umupo sa likod niya mismo, naging mag-partner sana kami sa quiz sa Electromag.
Dumating ang tanghali at ang balak ko'y nananatiling balak pa rin. Dapat na akong kumilos, dahil baka may iba pa siyang lakad mamaya at hindi na naman ako makakuha ng tamang tyempo. Ilang ulit kong inensayo ang sasabihin ko sa kanya. Humarap pa ko't lahat sa salamin para lang makita kung tuwid ba ang tayo ko, o baka may nakakatawa akong ekspresyon kapag nagsasalita. Handang-handa ako para sa araw na ito. Bukod lang dito.
"Claire, pwede bang sabay tayong umuwi mamaya?" tanong ng tinig ng isang lalaki. Kilala ko iyong tinig, ngunit di ko lang maisip kung sino talaga siya.
"A, e, ayos lang naman," sagot ni Claire. "Pero bakit? Anong meron?"
Nagtago ako sa likod ng poste at hindi nangahas na sumilip man lang. Hinintay ko ang sagot ng lalaki. "A, e, kasi..."
"Hm?"
"Matagal na kasi kitang gustong yayaing kumain sa labas," nanginginig na sagot ng misteryosong tinig. Ayokong sumilip dahil baka ako naman ang mabisto. "Kung ayos lang sa'yo," pahabol pa niya.
Kinakabahan ako sa sagot ni Claire. Tuloy, naisip kong sana marami na lang siyang gagawin ngayong gabi.
"Medyo marami pa kasi akong gagawin ngayon, e, pero salamat sa pagyaya," sagot niya. "Sori, a." Napalakas ang buntung-hininga ko at natakot ako na baka narinig nila, pero buti na lang at hindi. Pero, kahit nawala ang kaba ko, ibig sabihin pa rin nito ay hindi rin matutuloy ang plano ko.
Dumating ang hapon, at ang plano ko'y tuluyan nang nanatiling plano na lamang. Sa hinaba-haba ng paghihintay ko, sa dinami-dami ng paghahandang ginawa ko, nahuli pa rin ako. Lahat ng effort ko, naging Joule heating lang. In short, walang kwenta.
Ano pa nga bang magagawa ko, kundi umuwi nalang nang mag-isa. Sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang lumakad papalayo ay nilingon ko ang bintana ng lab nila. Para kahit papaano, may matanaw akong pwede kong baunin pauwi. Matagal-tagal din akong nakatayo doon, nagtataka na nga siguro si Kuya Guard kung bakit di pa ako umaalis.
"Sige, Kuya, aalis na po ako," sabi ko sa gwardyang nakabantay, at ngumiti lang siya sa akin. Nakayuko, dahan-dahan akong naglakad papalayo.
Bigla kong naramdamang nag-vibrate ang cellphone ko. May nag-text. Aba, at galing kay Claire?
"Kita kita nkatayo s labas hehe. Ingat"
Napangiti ako. Ayos lang pala, may bukas pa naman.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 puna:
kilala ko ba si Claire? hehehe...
Generic si Claire. Maraming Claire at Rico sa mundo :P
panu kung wala ng bukas? at kung ang pagpapabukas mo ay ise-set mo rin lang kinabukasan ala ka aasahan na kasagutan..