Tungkol sa blogger

Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin

Mga Popular na Post

Blogroll

Hunyo 6, 2013
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof ay walang patawad sa mga mahuhuli. Ngunit hindi siya pumasok sa klase namin ngayon, kaya naman umagang-umaga'y asar na asar ako. Nakuntento ako sa pagbabasa ng Game of Thrones at nanahimik sa isang sulok habang nag-aabang kung talagang hindi na ba darating ang prof ko. Sabagay, doon din naman sa gusaling iyon ang susunod kong klase, kaya hindi na ako lumayo pa.

Ngunit kahit habang nagbabasa, maraming mga kaisipan ang sumagi sa isipan ko. Tulad na lang ng realisasyong graduating na ako.

Hunyo 5, 2013

 
“Siya nga pala, may itatanong sana ako. Sana ‘wag mong masamain or something,” wika ni Lila.

“Sige, ano iyon?” mahinang tanong rin ni Anton.
“Uh…” Biglang natigilan si Lila. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang tanong nang hindi makakasakit ng sinuman.
“’Wag kang mahiya, Lila. Nais mo ba akong tanungin kung bakit ako nabulag?”
“Hindi naman, Anton. Gusto ko lang sanang itanong… Bakit ka laging nakatingin sa labas? E di’ba…”
“…bulag ako?” ang tapos ni Anton sa pangungusap ni Lila. Napatakip si Lila sa kanyang bibig.
Mayo 22, 2013
Mata ng Pag-ibig (Part 1)

Halos mag-iisang linggo na sa ospital si Lila ngunit wala pa ring nahahanap na eye donor. Inip na inip na si Lila sa kahihintay. Nawawalan na siya ng pag-asang makakakita pa siyang muli.
“Ma, bakit wala pa rin akong eye donor? Nasaan na po ba si Papa?” kinakabahang tanong ni Lila.
“Lila, mahirap makahanap ng donor. Pero ‘wag kang mawalan ng pag-asa; lahat ay ginagawa ng iyong Papa para maoperahan ka na,” sagot naman ng ina sa anak.
Isang mahinang katok ang narinig, at pumasok si Ramiro sa kuwarto ni Lila.
“O, nandiyan na pala ang Papa mo eh,” masiglang sabi ni Agnes. “Kamusta?”
“May magandang balita ako para sa’yo, anak. Makakakita ka nang muli!”

Mayo 21, 2013
Mayroon akong isang maikling kwentong isinulat noong ako'y nasa ikatlong taon ng high school na sobrang ipinagmamalaki ko. Sa tingin ko noo'y mahusay ko siyang naisulat. Sa pagkakaalala ko rin, 1.25 ang grade ko sa kwentong ito. Ngunit mas mahaba siya kaysa sa mga iba kong isinulat. Maituturing maikling kwento ang anumang kwento na may 5,000 hanggang 20,000 salita. Kaya ito'y isa pa ring maikling kwento.

Mayo 20, 2013
Ngayon ay isang espesyal na araw para sa akin, dahil ngayon ang araw na ako'y bente na.