Tungkol sa blogger

Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin

Mga Popular na Post

Blogroll

Mayo 20, 2013
Ngayon ay isang espesyal na araw para sa akin, dahil ngayon ang araw na ako'y bente na.


Alam naman siguro nating lahat ang kasabihang "ang bawat pagtatapos ay panibagong simula." Para sa akin, tapos na naman ang isang taon ng aking buhay, at may panibagong taon akong kahaharapin. Ang panibagong taong ito ay panibagong pagkakataon upang gumawa ng maraming bagay, mga mabubuting bagay.

Sa bawat bagay na magtatapos, may bagong bagay na magsisimula. Sa bawat taong (hindi year kundi person) mawawala, may taong darating at papalit. Sa bawat pangyayaring di kanais-nais, mas may mga bagay na di inaasahan ang darating upang makapagpasaya sa akin.

Sa dalawampung taong ipinagkaloob ng Diyos sa akin, masasabi kong bagama't hindi pa nga siguro sapat ang aking mga karanasan ay totoo namang marami na rin akong pinagdaanan, tulad ng mga nakakatandang nagdaan din sa pagiging dalawampung taong dalaga. Marami na rin akong nakilala, nakahalubilo, nakaimpluwensiya at naimpluwensiyahan.Hindi ko alam ang plano ng Diyos para sa aking buhay, hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo niya ako dadalhin, hindi ko tiyak kung ano ang magaganap sa hinaharap, ngunit sa aking buhay, isa lamang ang ikinatitiyak ko.

"'For I know the plans I have for you,' declares the Lord, 'plans to prosper you and not to harm you; plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11 NIV

Isang bagay lang ang tiyak: na hindi ko mararating ang aking kinalalagyan ngayon kundi sa tulong ng Maykapal sa akin.