Tungkol sa blogger
Ginawa ang blog na ito upang magsilbing sisidlan ng marami kong mga ideya tungkol sa iba't ibang mga bagay. Minsan habang naglalakad o kumakain, madalas kapag naliligo, o kahit walang ginagawa at nakahiga lamang sa kama at nakatingala sa kisame, sa mga ganoong pagkakataon ako mas nakakapag-isip-isip. Isang koleksyon ng mga kwento, kathang-isip man o katotohanan, at kahit mga walang kwentang bagay-bagay. Kahit ano, pwede.
- Abigail Jayin
Mga Popular na Post
-
Ito naman ang pangalawang isinulat ko para sa portfolio project namin sa MP10, isang creative non-fiction. Para itong fusion ng kwento at no...
-
Ngayon ay unang araw ng panibagong semestre. Maaga ako nagising dahil ayokong mahuli sa aking major dahil alam ko na ang daratnan kong prof...
-
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig k...
-
Marami kaming mga bagong sinulat para sa MP 10, pero lahat ng iyon ay para na sa portfolio na ipapasa sa pagtatapos ng sem. Uunti-untiin ko ...
Blogroll
Nobyembre 23, 2011
"Basically, simple lang naman ang sinasabi ng Kirchoff's Laws, e," wika ng guro ko sa Electronics. "Mahahati ang current kapag naghiwalay ng pupuntahan."
Tumangu-tango ako habang nakikinig. Alam na namin ito dahil hindi na bago ang sinasabi niya para sa amin.
"Dahil kung anong pinadaan mo, yun din ang lalabas." Tama nga naman.
"Kung anong ibinigay, siyang matatanggap."
Okay, pilit na. Pero pwede na rin. E, pa'no kung sobra-sobrang energy ang ibinigay mo, pero paikot-ikot lang naman ang nangyayari?
Short circuit ang tawag doon.

Nobyembre 14, 2011
Ayan, opisyal nang nagsimula ang ikalawang sem sa taong ito. At syempre, marami ring mga bagong mangyayari sa hinaharap.
Buong sembreak wala akong ginawa kundi magtrabaho, at saka ko lang napagtanto na ang sembreak ay dapat ginugugol sa pagpapahinga at hindi sa pagtatrabaho. Kaya naman napag-isipan kong maging abala.
Buong sembreak wala akong ginawa kundi magtrabaho, at saka ko lang napagtanto na ang sembreak ay dapat ginugugol sa pagpapahinga at hindi sa pagtatrabaho. Kaya naman napag-isipan kong maging abala.
Oktubre 20, 2011
Nagdiriwang ngayon ng kaarawan ang aking gurong tagapayo, ngunit dahil pinipili niyang hindi siya magdiwang ng kaarawan, hindi ko siya pwedeng batiin. Haha. Tribute ko sa kanya ang post na ito.
Ang tulang ito ay kasama sa mga ipinasa ko sa MP 10 para sa portfolio project namin, at naisip kong ngayon i-post dahil akma sa okasyon. Meron pa akong isang tulang sinulat na siya rin ang inspirasyon, ngunit isinulat ko sa wikang Ingles naman kaya hindi ko na ipo-post dito.

Oktubre 14, 2011
Ito naman ang pangalawang isinulat ko para sa portfolio project namin sa MP10, isang creative non-fiction. Para itong fusion ng kwento at non-fiction, ngunit mahigpit na sinusundan ang aktwal na datos tungkol sa isang paksa. Para ding malikhaing pagbabalita.
Disclaimer: Lahat ng impormasyong nakasaad sa kwentong ito ay galing dito, at ang kwentong ito ay para lang talaga may maipasa ako sa MP 10.
Disclaimer: Lahat ng impormasyong nakasaad sa kwentong ito ay galing dito, at ang kwentong ito ay para lang talaga may maipasa ako sa MP 10.
Setyembre 1, 2011
Ang Pilipinas daw ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo. Magsisimula sa Setyembre at magtatapos sa Pebrero. Kapag -ber months na kasi, nagsisimula nang maglagay ng mga dekorasyon sa bahay ang mga tao, at dumarami na ang mga "sale" at "x% off" sa mga mall at tiangge. Lumalamig na ang simoy ng hangin, at humahaba na ang mga gabi. Simula na ng count-down.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isusulat ko. Kung magrereklamo ba ako sa takbo ng kalakaran sa mga pamilihan kapag Kapaskuhan, o sa kapal ng trapik (tao man o sasakyan). O kung anu-ano pa. Pero gusto ko lang talagang mag-alay ng isang blog post bilang tanda ng simula ng paghahanda. Para makadagdag sa "excitement".
Ayos lang, para sa Pebrero ay mayroon din akong isa pang post na tungkol naman sa pagtatapos ng Pasko. :))

Agosto 30, 2011
Sumulat kami ng dagli, isang uri ng maikling kwento, base sa isang artikulong lumabas sa pahayagan. Mayroon na akong napili, isang kwento tungkol sa nanalo ng lotto. Naisip ko na kung paano tatakbo ang kwento, ang tagpuan, mga tauhan, at marami pang iba. Ngunit hindi ito inaprubahan ng propesor ko, at wala naman na akong iba pang maisip at mahanap sa mga pahayagan, kaya tuloy siya na lang ang nagbigay sa akin ng susulatin.
Ang napili nya ay walang iba kundi *drumroll* ang pagbabalik ni Nora Aunor sa Pilipinas.
Hindi ako humindi, dahil kahit ayokong isulat 'to, naisip kong isang malaking hamon kung paano ko mapapaganda ang isang kwentong di ko naman ganoon kagustong isulat, kaya ipinagpatuloy ko. Isa pa, bawal na raw magpalit ng paksa. At, matapos ang ilang oras na paghahanap ng materyal sa Internet, narito ang aking nabuong kwento.

Hulyo 17, 2011
Mahilig akong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling, at hindi rin naman natutong tumugtog mula pagkabata, pero ito talaga ang hilig ko. Noong nasa unang taon ako ng hayskul, nakatira ako sa isang dorm dahil malayo ang paaralan ko sa bahay namin, at doon ako unang humawak ng gitara. Noong una ay ayoko pang matuto, dahil noong mga panahong iyon ay parang bigla lang nauso ang paggigitara kaya maraming gumagaya. Ayokong magmukhang gumagaya lang kaya noong una'y ayoko pang makisabay.
Laking gulat ko nang unang beses kong mahawakan ang gitara ng isa kong dormmate, at sa tabi ng kama'y merong lumang Song Hits. Bumuklat ako sa isang pahina, at nawindang ako sa nakita ko. "Pa'no to basahin?!" ang tanong ko.

Hulyo 12, 2011
Bukas ay ipapasa ko ito sa aming propesor. Noong makalawa pa niya ito ibinigay, ngunit katatapos ko lang ngayon at mainit-init pa ang mga tulang ito. Kung anu-ano lang ang naisulat ko; basta kung anong unang pumasok sa utak ko, yun na lang. Ang pinakamahirap na bahagi ay ang pagtutugma (rhyming). Gayunpaman, nasiyahan naman ako sa paggawa ng mga 'to, at nasiyahan naman ako sa resulta ng pagpapagod ko.
Madami na akong blog noon pa. Lahat ng iyon ay inabandona ko na. Sa dami ng ginagawa ko sa kolehiyo at sa personal ko pang buhay, wala na halos akong oras para magkwento pa sa mga blog kung anong nangyayari sa akin. Unti-unti, kumokonti na rin naman ang mga taong nagbabasa at nagme-maintain ng mga blog, dahil mas nauuso ang social networking sites kaysa mga blogsites tulad nito.
Ngunit nagkaroon ako ng isang asignaturang ang pamagat ay Malikhaing Pagsulat 10 (MP10, kung pinaikli). Marami akong naisusulat sa wikang Filipino na mga tula, sanaysay, kwento at iba pa, at naisip ko, "Sayang naman kung iipunin ko lang. Ba't hindi ko i-compile sa isang blog?" Kaya ipinanganak ang pahinang ito.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)